BRONER VS PACQUIAO | Kampo ni Pacman, walang planong mag-adjust sa kaniyang training

Sa kabila ng limitadong oras, wala daw plano si coach Buboy Fernandez na mag-adjust o baguhin ang nakaplanong training ni Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ayon kay Fernandez, napanatili daw ni Pacquiao ang kaniyang bilis at lakas kung saan kanila nang pinag-aaralan kung paano tatapatan ni Pacquiao ang liksi ni Broner sa ibabaw ng ring.

Sinabi naman ni American boxing trainer Robert Garcia na malaki ang tsansa ni Pacquiao na mapabagsak si Broner dahil sa dami na din ng experience nito sa pakikipagbakbakan.


Magiging pabigat nang pabigat naman ang gagawing ensayo ni Manny Pacquiao para sa nakatakda nitong laban kay Broner sa buwan ng Enero.

Facebook Comments