Friday, March 6, 2026

TRICYCLE DRIVER, ARESTADO MATAPOS MAHULIHAN NG HINIHINAANG SHABU SA BUY BUST OPERATION SA ROSALES

Arestado ang isang tricycle driver matapos makuhanan ng hinihinalang shabu sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang suspek bilang isang 42 anyos na lalaki at residente ng Urdaneta City, Pangasinan.

Naaresto ang suspek matapos ang matagumpay na buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang 9.3 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na ₱63,240.

Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin sa operasyon ang iba pang ebidensya.

Isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinakailangang saksi at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosales MPS ang suspek habang inihahanda ang kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments