Drug suspect, patay sa engkwentro sa Quiapo Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang drug suspect na si Alnor Silongan matapos na manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel, nagkunwaring bibili ng shabu ang isang operatiba kay Silongan na nagkakahalaga ng limang libong piso nang makatunog ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksiyon.

Agad itong bumunot ng baril kaya’t pinaputukan ito ng operatiba na humantong kamatayan ni Silongan.


Naisugod pa si Silongan sa Mother and Child Hospital sa Binondo pero idineklara itong dead on arrival ng isang doktor.

Narekober ng SOCO sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 na baril, isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at buy-bust money.

Facebook Comments