Tricycle Drivers, Tatanggap ng Cash Assistance sa LGU Cauayan

Cauayan City, Isabela-Itinigil pansamantala ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng programang ‘Abot-Kamay sa Pagtulong’ (AKAP) ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan matapos humingi ng panibagong listahan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.

Sa ginawang Public Address ni City Mayor Bernard Dy, ito ay sa posibleng pamimigay ng second tranche ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP)ng pamahalaan.

Aniya, tuloy-tuloy ang pakikipag-usap ng local government sa central office na ituloy pa rin ang pamimigay ng second wave kahit nakasailalim na sa General Community Quarantine ang siyudad.


Minabuting itigil ang pamimigay ng ayuda sa AKAP Program upang maiwasan ang ‘duplication’ at mabigyan ng pantay-pantay na tulong ang bawat pamilyang Cauayeño.

Samantala, nakahanda na ang pamimigay ng unang bugso ng AKAP para sa kabuuang 1, 276 na tricycle drivers mula sa iba’t ibang barangay na inaasahang tatanggap ng P2,500 cash at P2,000 worth of Gift Certificate na maaring ipambili ng pangunahing pagkain sa mga piling grocery store.

Giit pa ni Dy, kasalukuyan ang validation sa mga iba pang grupo ng tricycle sa lungsod para sa pagtanggap din ng parehong ayuda.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa ang LGU para sa tulong sa bawat pamilya.

Facebook Comments