Isinagawa ang pag-install ng 2023 regulatory sticker para sa mga tricycle ng may franchise sa Dagupan City.
Ang pagsasagawa ng tricycle (decal) sticker coding installation sa Dagupan City Transport Terminal ay para ma-identify ng publiko ang mga lihitimong tricycle operators sa lungsod.
Naglalayun ito na maiwasan ang mga colorum na pumapasada, masiguro ang safety ng mga pasahero lalo ang mga kabataan, pati ang over-pricing o paniningil ng sobra sa fare rate ng siyudad.
Ito ay bahagi ng Free Tricycle Franchise Renewal na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan bilang magiging alalay sa kabuhayan ng mga tricycle drivers lalo na ang mga lubos na naapektuhan sa panahon ng pandemya at pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon sa POSO, ang pag install ng sticker ay magpapatuloy sa kanilang scheduled na tricycle coding pati rin sa mga pampasadang jeepney sa lungsod.
Sumangguni lang sa tanggapan ng POSO DAGUPAN kung sakaling may mga katanungan sa mga requirements. |ifmnews
Facebook Comments