GOOD NEWS: MGA ESTUDYANTE SA BRGY. CARAEL, NABIGYAN NG VITAMIN C

Sa simula pa lamang ng pandemya, kabilang ang mga bata sa mga mahigpit na binabantayan ang kalusugan. Malaking bagay na mapalakas ang kanilang resistensiya upang maiwasan ang pagkakasakit.
Kaya kamakailan lamang, para mabigyan ng proteksyon laban sa pabago bagong panahon, handog ng lokal na pamahalaan ng syudad ng Dagupan through Sangguniang Kabataan Federation ng Carael, ang mga Vitamin C para sa mga mag aaral sa Carael Elementary School, Dagupan City.
Maliban naman sa nasabing Vitamin C, binigyan din ng mga meryendang tinapay ang mga bata. Bakas sa kanilang mga ngiti ang pasasalamat sa mga regalong natanggap. |ifmnews

Facebook Comments