Cauayan City, Isabela- Natanggap na ng nasa 115 tricycle drivers na bumubuo ng TODA District 2 (Centro Norte and Centro Sur) ang kanilang tig-P1,000 mula sa lokal na pamahalaan ng Alcala sa Cagayan.
Sa facebook post ni Mayor Tin Antonio, nagsimula na itong mamahagi ng tulong sa mga kababayan niyang labis na naapektuhan ng kawalan ng kita dahil sa pandemya.
Ilan sa tatanggap rin ng tulong pinansyal ang mga van drivers at banca operators.
Target na mabigyan ng ayuda ang nasa 947 indibidwal sa kanilang bayan matapos ang pagsasailalim sa MECQ ng lalawigan.
Ayon sa Facebook post ni Mayor Tin Antonio, nasa 947 na indibidwal ang makakatanggap ng naturang ayuda kung saan natanggap na ng 115 tricycle drivers ang kanilang parte na bumubuo ng TODA District 2 (Centro Norte and Centro Sur).
Magpapatuloy ang distribusyon ngayong linggo para sa mga natitirang benepisyaryo.