Trillanes, nagbantang kakasuhan ang AMLC kapag hindi agad inaksyunan ang hiling niyang pagbusisi sa ibinibintang na bank accounts sa abroad

Manila, Philippines – Sasampahan ni Senator Antonio Trillanes IV ang Anti-Money Laundering Council o AMLC ng paglabag sa Republic Act 6713.

Ito ay kapag hindi pa inaksyunan ng AMLC sa loob ng dalawang linggo ang kanyang hiling na pagbusisi sa mga bank accounts sa abroad na ibinibintang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Diin ni Trillanes, siya pa ang nagmamadali sa AMLC na imbestigahan ang nasabing mga bank accounts dahil nakakatiyak siya na hindi ito totoo.


Magugunitang pumirma agad ng waiver sa Bank Secrecy Law si Trillanes para pabuksan sa AMLC ang umano’y bank accounts niya sa ibang bansa.

Giit ni Trillanes, dapat ganito din ang gawin ni Pangulong Duterte sa halip na takutin at pagbantaan ang Ombudsman.
Diin ni Trillanes, kung totoo na walang tagong yaman ang Pangulo ay dapat hayaan nito na ang Ombudsman at AMLC na mag-imbestiga.

Facebook Comments