Trillanes, nakabalik na sa bansa at handang harapin ang panibagong kasong isinampa sa kanya sa korte

252

Manila, Philippines – Nasa bansa na muli si Senator Antonio Trillanes mula sa naging byahe sa United Kingdom mula December 11, 2018 hanggang nitong Miyerkules.

Diin ni Trillanes, bumalik sya para patunayan na hindi sya natatakot at handa niyang harapin ang walang patid na pagsasampa ng mga kaso laban sa kanya.

Pinakahuli ay ang pag-akyat sa Pasay Metropolitan Trial Court Branch 47 ng kasong grave threat na inihain laban sa kanya ni labor undersecretary Jacinto Jing Paras.

Kaugnay nito ay muling iginiit ni Trillanes na baliktad na ang hustisya sa Pilipinas ngayon at malinaw na panggigipit ang ginagawa sa kanya ng Administrasyong Duterte.

Facebook Comments