TRO | DOTr, ipinag-utos na arestuhin ang mga Angkas drivers na lumalabag sa kautusan ng SC

Hulihin ang lahat ng Angkas drivers na magmamatigas laban sa batas.

Ito ang mahigpit na utos ng ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa pagpupumilit ng Angkas na makapamasada pa rin sa lansangan.

Pagigiit ng kalihim, noong naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang korte laban sa DOTr ay sumunod ang kagawaran kaya ngayong nabaligtad na ang sitwasyon ay sila naman ang dapat na sumunod.


Nabatid na nitong December 5, naglabas ng TRO ang Supreme Court sa preliminary injunction ng Mandaluyong RTC, kaya malaya na ngayon ang pamahalaan na arestuhin ang mga driver at operator ng naturang ride hailing service.

Partikular kasi dito na kinatwiran ang Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code na nagbabawal sa mga sasakyang dalawa ang gulong na maggamit for hire.

Ayon pa sa DOTr, sa kabila kasi ng desisyon, patuloy pa rin silang nakakatangap ng ulat na mayroong nagsasakay na Angkas.

Sakaling mahuli, sinabi naman ng DOTr na papatawan ng multang P6,000 at 3 buwan na impound ang sasakyan at posible rin itong ma blacklist ang prangkisa sa LTFRB.

Facebook Comments