DAVAO CITY – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na naaresto na sa Malaysia noong Nobyembre ang isa sa mga suspek ng pambobomba sa Davao City, noong nakaraang taonSa kanyang talumpati sa harap ng mga negosyante sa Davao – sinabi ng pangulo na nasa kustodiya na ng Malaysian authorities ang suspek na si Datu Mohammad Abduljabbar Sema na anak nina MNLF Leader Muslimin Sema at Maguindanao first district Rep. Bai Sandra Sema.Inatasan naman ng pangulo na mas maging agresibo laban sa mga pagdukot sa mga karagatan ng bansa.Anya sa ganitong paraan ay makakaganti na ang pamahalaan sa mga kidnappers.Nitong Sabado lamang, isang South Korean na kapitan ng barko at isang Pilipinong crewman ang pinakawalan ng Abu Sayyaf, tatlong buwan matapos silang dukutin ng mga ito mula sa kanilang cargo ship.
Tropa Ng Pamahalaan, Inatasan Ni P-Duterte Na Mas Maging Agresibo Laban Sa Mga Pagdukot Sa Mga Karagatan Ng Bansa
Facebook Comments