Tropical depression, inaasahang papasok sa bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang isang tropical depression.

Huli itong namataan sa layong 1,055 kilometers, silangan ng Mindanao.

May taglay itong lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot 66 kilometers per hour.


Kapag pumasok na ito sa par ay tatawagin itong bagyong ‘Paolo’.

Sa ngayon, ang Intertropical Convergence Zone (itcz) ang tanging nakakaapekto sa halos buong bansa.

May mahihinang pag-ulan sa buong araw ang palawan habang maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon maging sa Metro Manila.

Sa Visayas, maulap ang kalangitan na may posibilidad ng isolated thunderstorms.

Asahan ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa buong Mindanao.

Nakataas ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Ilocos Norte, La Union, Pangasinan, Occidental Mindoro, Palawan at Babuyan Group of Islands.

Agwat ng temperatura sa Metro Manila mula 24 hanggang 32 degrees celsius.

Sunrise: 5:47 ng umaga
Sunset: 5:35 ng hapon

Facebook Comments