Tropical depression na nasa labas ng PAR, posibleng pumasok mamayang gabi

Ganap nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huli itong namataan sa layong 1,910 kilometers silangan ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong 60 kph.


Kumikilos ito sa bilis na 20 kph sa direksyong pakanluran.

Posibleng pumasok ito ng PAR mamayang gabi o bukas ng umaga.

Kapag pumasok ito ng PAR ay tatawagin itong “Chedeng”.

Samantala, dahil sa tail-end of cold front magdadala ito ng pag-ulan sa Batanes, Cagayan Aurora at Quezon Province.

Maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng bansa.

Facebook Comments