Tropical storm Falcon napanatili ang lakas,  isang low pressure area namataan naman sa Ilocos Sur

 

Napanatili ng tropical storm Falcon ang lakas nito habang nasa Hilagang Silangan ng Luzon

 

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Loreidin Dela Cruz, namataan ang bagyo sa layong 195 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

 

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometer per hour (kph) at may pagbugsong 80 kph.


 

Kumikilos ito sa pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

 

Nakataas ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa Batanes habang signal no. 1 sa Apayao, Cagayan, Ilocos Norte at Babuyan Group of Islands.

 

Dahil dito asahan na ang malalakas na pag-ulan sa Isabela, La Union, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, at Antique.

 

Sa biyernes, inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Falcon.

 

Samantala, isang low pressure areanaman ang namataan sa layong 125 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur na magpapalakas rin sa epekto ng habagat sa Luzon.

Facebook Comments