Napanatili ng Tropical Storm ‘Goni’ sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang lakas nito.
Huli itong namataan sa layong 1,545 kilometro Silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour at pabugsong aabot sa 115 kph.
Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 10 kph.
Ayon sa PAGASA, asahang mas lalakas pa ang paparating na si Typhoon “Rolly” pero sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa.
Samantala, Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang nakakaapekto sa Mindanao na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa CARAGA at Davao Region.
Habang magiging maulap ang kalangitan na may kaunting pag-ulan sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes, Cagayan at Babuyan Island.
Maganda naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa kaya pwedeng-pwedeng pasyalan ang sikat na diving sites sa Anilao, Batangas