Truck at Vios nagkasalpukan , guro sugatan

Sugatan ang isang guro matapos magkasalpukan ang isang Toyota Vios at isang Fuso Canter Truck sa Brgy Alamada Sultan Kudarat Maguindanao alas tres kahapon ng hapon.
Sa report mula kay SK Deputy COP INS Caroline Flores, sinasabing minamaneho ng Driver na kinilalang si John Mark Dabatian 24 anyos residente ng Mahayag Davao Del sur ang Canter Truck habang minamaneho naman ng isang pulis ang isang Black Toyota Vios.

Sinasabing isa sa mga vehicle ay nag overtake resulta ng aksidenteng magkasalupukan.

Sa sobrang lakas ng impact ng disgrasya ay nagtamo ng mga sugat ang 23 anyos na dalagang guro na residente ng Pikit North Cotabato na nooy nakasakay sa front seat ng Toyota Vios na minamaneho ng 24 anyos pulis na nakabase sa Amas North Cotabato.


Kasalukuyang nasa Police Station ng SK MPS ang mga sasakyang nainvolved sa Vehicular Accident habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP

Facebook Comments