18 anyos arestado dahil sa Shabu

Kalaboso ang isang 18 anyos na babae matapos maaresto sa buybust operation na pinangunahan ng Police Station 1 sa Jose Lim, Poblacion 5 Cotabato City.

Kinilala ni City Police Station 1 commander Chief Inspector Reynaldo Delatien ang drug suspect na si Derhanie Salik Mamantar na taga SK Pendatun extension, Mother Barangay Poblacion ng lungsod.

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong mga pakete ng hinihinalaang shabu.
Inihahanda na ang kaukulang kaso sa naarestong drug suspek


Facebook Comments