Manila, Philippines – Magpapatupadng truck ban ang MMDA sa kahabaan ng Roxas Boulevard simula ngayong araw (Huwebes)Abril 27 hanggang Abril 28.
Ito ay bunsod ngseguridad para sa ika-30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summitna isasagawa sa Philippine International Convention Center (PICC) sa PasayCity.
Sa abiso ng MMDA,magpapatupad sila ng re-routing scheme sa lahat ng truck na may gross capacityo bigat na 4,500 kilograms pataas, rehistrado man o hindi rehistrado sa TerminalAppointment Booking System (TABS).
Ayon sa MMDA, ang lahatng truck sa southern route, mula port area hanggang South Super Highway (SLEX),babagtas ng Bonifacio Drive, kaliwa sa p. Burgos, Finance Road, AyalaBoulevard, kanan ng San Marcelino, kaliwa ng Pres. Quirino Avenue, kananng South Super Highway.
Habang ang Northern routenaman, mula South Super Highway (SLEX) hanggang port area, babagtas ng SouthSuper Highway, kanan sa Pres. Quirino Avenue, kaliwa sa Plaza Dilao, kanan sa Pres.Quirino Avenue Extension, kaliwa sa Uni-Ted Nations Avenue, kanan sa RomualdezStreet, kaliwa sa Ayala, Finance Road, P. Burgos, kanan ng Bonifacio Drivehanggang port area.
Ang abiso ng MMDA aypara na rin sa lahat ng truck drivers para huwag magkaroon ng kalituhan ang mgaito.
Payo ng MMDA sa lahat ngmotorista ay iwasan ang mga lugar na malapit sa pagdadausan ng ASEAN Summitpara hindi maabala ang mga ito sa trapiko.
Truck ban, dalawang araw na ipapatupad sa Roxas Boulevard bilang parte ng seguridad sa ASEAN Summit
Facebook Comments