Pasado alas-11:30 kaninang umaga, nakatanggap ng tawag ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na isang truck ang tumagilid na may sakay na labing-tatlo (13) katao.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP, patungo ang truck sa Barangay Maligcong, Bontoc, Mountain Province para ikampanya ang kanilang kandidato ng maganap ang insidente.
Habang paakyat ng kalsada ang sasakyan partikular sa Sitio Tiki, Bontoc Ili, ay sinubukan ng drayber na magchange gear gayunpaman nagkaroon ng malfunctioned ang shift knob kung kaya’t ginamit nito ang brakes pero hindi gumana hanggang sa bumulusok pababa ang sasakyan at tumama sa dalisdis ng bundok.
Agad namang tumugon sa nangyaring aksidente ang mga kasapi ng Bontoc Emergency Response Team (BERT) kasama ang Bontoc Municipal Police Station, Bontoc Municipal Fire Station at DOH.
Ayon sa report ng Municipality of Bontoc, minamaneho ang truck ni Robenson Damitan Bandiwan, 27-anyos na residente ng Tapapan, Bauko, Mountain Province.
Tatlo sa mga sakay naman ng truck ang nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan kaya’t patuloy na inoobserbahan sa pagamutan upang masigurong ligtas.