Gilas Pilipinas, paborito kontra Iraq mamayang gabi sa pagpapatuloy ng 2017 FIBA Asia Cup sa Lebanon

FIBA – Target ng Gilas Pilipinas ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2017 FIBA Asia Cup sa Nouhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

Makakaharap ng mga Pinoy ang Iraq na tinalo ng Pilipinas sa nakaraang Jones Cup sa Taiwan noong nakaraang buwan.

Dahil dito, overwhelming favorite ang Gilas sa laban nila kontra Iraq.


Mataas ang morale ng Gilas Pilipinas dahil sa 96-87 upset win na naitala nila kontra defending champion China noong Miyerkules.

Magtutuos ang Gilas Pilipinas at Iraq mamayang alas-nuwebe ng gabi.

Facebook Comments