TRUCK NA NAGLALAMAN NG 27 NA BAKA, NAHARANG SA ILOCOS

Arestado ang Isang driver ng truck matapos walang maipakitang kaukulang dokumento sa 27 na ibiniyaheng baka.

Ayon sa pulisya, naharang ang truck sa Brgy. Lacong Tagudin ng Tagudin Animal Quarantine at 2nd Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company na minamaneho ng isang 34-anyos na residente ng Aliaga, Nueva Ecija.

Nagkakahalaga ang naturang mga baka ng 1,200,000.

Nasa kustodiya ng ng awtoridad ang driver na lumabag sa Provincial Ordinance No. 15-06 Series of 2015 o ang Animal Quarantine Ordinance. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments