Nagningning ang ngiti ng mga chikiting sa bayan ng Bayambang matapos Lumahok ang mga ito sa simultaneous tooth brushing na isinagawa on site and online.
Daan-daan ang nakiisa at nagbrush “up and down”, at “side to side” ng kanilang mga ngipin kabilang na ang mga batang mag-aaral mula sa 77 Child Development Centers ng bayan, mga government agencies, institutions, at organizations.
Nang ibigay na ang hudyat ng simula ng drill, mapa bata o matanda ay game na game na nag tooth brush ng sabay-sabay.
Ang kauna-unahang municipal-wide tooth brushing na ito ay bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa National Toothbrushing Day at Oral Health Month ngayong Pebrero.
Layunin nitong isulong ang dental health ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ng tamang paraan ng pagsisipilyo at pag aalaga sa ating mga ngipin upang maiwasan ang anumang oral health problems. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨