Truck na Sumadsad sa Kabahayan, Naubusan Umano ng Krudo!

UPDATE: Cauayan City, Isabela- Naubusan umano ng krudo ang isang Isuzu Wingvan truck na sumalpok sa poste ng ISELCO at sumadsad sa kabahayan kahapon sa Brgy. Villapaz, Naguillian, Isabela.

Ito ang sinabi ni PMajor Garry Macadangdang, hepe ng PNP Naguilian na naging dahilan sa nangyaring insidente base sa resulta ng kanilang pagsisiyasat.

Lulan ng sasakyan ang 5 katao kabilang ang drayber nito na si Lemar Viernes, 24 anyos, residente ng Sta. Maria habang ang mga pahinante nito ay sina Orlando Gamiao, 46 anyos, may asawa; Earl John Littaua, 17 anyos, binata; Gilmar Gamiao, 20 anyos, binata at Leomer Achoara, 27 anyos na pawang mga residente ng Brgy. Cabisera 8, Ilagan City, Isabela.


Aniya, nang huminto ang sasakyan ay bumaba ang mga sakay nito upang suriin at buksan sana umano ang isang tangke ngunit biglang umabante ang sasakyan at sumalpok sa poste at sa dalawang bahay.

Maswerte naman aniya na walang nasaktan sa nangyaring insidente.

Dagdag dito, naglalaman din ang naturang sasakyan ng mga GMelina na nilagari sa ibat-ibang laki.

Bineberipika na ng pulisya sa DENR kung may kaukulang dokumento o permit ang naturang mga kahoy.

Masasampahan aniya ng kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Multiple Damage to Property ang drayber ng truck.

Facebook Comments