Truck na umararo sa Taytay Rizal, higit 20 taon na ang edad

19

Manila, Philippines – Kinumpirma ng awtoridad na mahigit dalawang dekada na ang edad ang truck na humarurot sa Cabrera Road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal na kumitil ng anim sa buhay noong Sabado.

Batay sa imbestigasyon, 1991 model pa ang nasabing truck kaya may kalumaan na.

Paliwanag pa ni p/Supt. Samuel Delorino, Taytay Police Chief – inamin ng drayber na may problema na ang kaniyang minamanehong truck.
Kinasuhan na ang truck driver ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injury at multiple damage to property.

Sa ngayon, nasa ospital pa din ang limang sugatan sa insidente at ang dalawa ay nasa obserbasyon dahil sa pagtamo ng mga sugat sa ulo.

Facebook Comments