Trump, nais i-overhaul ang kanilang immigration system

Gusto ni U.S. President Donald Trump na i-overhaul ang immigration system.

Layunin nito na makinabang ang mga young, educated, English-speaking applicants na may job offer kaysa sa mga mayroong family ties sa mga Amerikano.

Ayon kay Trump – umaasa siyang maaaprubahan ito agad pagkatapos ng 2022 elections kapag nag-dominante ang Republicans sa US Congress.


Sa ngayon, two-thirds o 1.1 million na katao ang pinapayagang mag-emigrate sa US kada taon na binibigyan green card o permanent residency dahil sa mayroong family ties.

Sa panukala, nais ni Trump na gawing “merit-based” system tulad sa Canada kung saan ibabase sa employment at skills.

Ang planong ito ni Trump ay tinututulan ng Democrats at immigration advocacy groups.

Facebook Comments