Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 2 undocumented aliens na Tsino at Koreano na sangkot sa fraud at economic crimes sa kanilang mga bansa.
Kinilala ang Koreano na si Kim Dae Yeop, 57 habang ang Chinese national ay si Jiang Rongqun, 32.
Sila ay naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Malate at Binondo sa Maynila.
Si Kim ay sinasabing wanted dahil sa pag-lobby sa expense payment ng Closed Circuit Television na nagkakahalaga ng 250-M Korean Won o katumbas ng ₱11-M habang si Jiang ay wanted sa China dahil sa fraud at economic crimes.
Naka-detain ngayon ang naturang mga dayuhan sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inaayos ang mga dokumento para sa kanilang deportation.
Nagbabala naman ang Bureau of Immigration sa mga dayuhang fugitive na magtatangkang magtago sa Pilipinas na hindi nila palulusutin ang mga ito.