Ayon sa DTI-Isabela, ang limitadong batch ng mga tsokolate ay ginawa gamit ang rare, single cacao beans na itinanim sa bahagi ng Isabela.
Ang special ‘Kasama’ Chocolate Bar mula sa iba’t ibang sangkap nito gaya ng caramelized banana, chocolate cake, at rum ay pinagtulungang gawin nila Dr. Myleen Corpuz kasama ang team Cagayan Valley Cacao Development Centre maging ang kasama sa pagsasaka na si Edgar Nicolas.
Pitong taon mula ngayon nang simulan ang paggawa ng tsokolate ng ISU Cacao Development Center sa tulong ng DTI cacao Shared Service Facility (SSF) kung saan nagkaroon din ng accreditation mula sa Department of Tourism bilang Agri Tourism farm site.
Samantala, ang International Chocolate Awards ay kumikilala sa husay ng paggawa ng masarap na tsokolate at sa mga produkto nito kung saan layong suportahan ang mga kumpanyang gumagawa ng dekalidad na tsokolate.
Tiniyak naman ng DTI na palalakasin ang mas maraming locally-produce na mga ani upang higit itong maipakilala sa ibang bansa.