Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa halos 2 libo ngayong araw

81

Umabot na sa 43,603 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay ito ulat ng PNP Health Service matapos makapagtala ng 436 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Sa nasabing bilang, nasa 1,884 dito ang aktibong kaso ng COVID-19.


Habang lima lamang ang bagong gumaling sa sakit kaya umabot lang sa 41, 594 ang total recoveries.

Nanatili naman sa 125 ang total death toll matapos walang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID.

Facebook Comments