Tsuper, Arestado sa Dalawang Kaso!

78

*Cordon, Isabela- *Hawak na ng mga otoridad ang isang lalaki na nahaharap sa dalawang kaso nang ito’y masilbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Caquilingan, Cordon Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Danilo Gorospe, 49 anyos, may asawa, tricycle driver at residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, inaresto si Gorospe sa bisa ng warrant of arrest na inihain ni judge Anastacio Anghad ng RTC 2nd Judicial Region Branch 36, Santiago City dahil sa kasong Carnapping at Robbery.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa kustodiya ng CIDG Santiago City Field Unit si Gorospe para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments