Tsuper, Arestado sa Pagbebenta ng Droga!

*Cauayan City, Isabela-* Nahaharap ngayon sa kasong may kinalaman sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang traysikel drayber matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Valentine St, P-2, Buenavista, Santiago City.

Nakilala ang nahuli na si Andy Calara Dela Cruz, 39-anyos, binata, traysikel drayber at residente sa naturang lugar.

Sa isinagawang operasyon dakong 10:50 ng umaga kahapon ay narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu at marked money na limang daan piso na ginamit ng nagpanggap na poseur buyer na pulis.


Naniwala ang kapulisan na sa pagkahuli ni dela Cruz ay posible umanong hihina na ang bentahan at kalakalan ng droga sa Lungsod.

Facebook Comments