Tsuper, Arestado sa Pagpupuslit ng Illegal na Kahoy

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng mga otoridad ang isang lalaki matapos matiklo sa pagpupuslit ng mga illegal na pinutol na kahoy sa brgy. Muñoz West, Roxas, Isabela.

Dakong alas 6:00 nang maaresto ang suspek na kinilalang si Sadam Buyogan, 28 taong gulang, may-asawa, drayber at residente ng Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Sa pinagsanib pwersa ng PNP Roxas at 1st IPMFC third Platoon sa naturang bayan nahuli ang suspek sa pagbiyahe ng tinatayang humigit kumulang 400 boardfeet ng Narra na isinakay sa isang Nissan Urvan Escapade na may plakang ZRS-877 na pagmamay-ari ni Marivic S. Pajantoy.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek maging ang mga nakumpiskang mga kahoy para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, nasa mahigit kumulang 1,000 boardfeet ng inabandonang kahoy ang narekober ng PNP Ilagan, 95th IB at Provincial task force sa bahagi ng Abuan river sa Brgy Batong Labang, City of Ilagan City, Isabela.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nagmamay-ari ng mga narekober na kahoy na nasa pangangalaga ngayon ng Ilagan City Police Station para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments