"Tuba Galing sa Buri/Buli" Sanhi DAW ng KAMATAYAN ng 4 Kataong Nag-Inuman sa Bayan ng Ragay, CamSur

Breaking News!!! – 4 Katao Patay Dahil Umano sa Pag-Inom ng Home Made “Tuba Galing sa Buri”
4 Katao ang na-ireport na binawian ng buhay dahil umano sa pag-inom ng homa-made liquor na mas kilala sa tawag na “Tuba” galing sa “Buri” sa mga lokal na residente ng lugar.
Ayon sa imbistigasyon ng pulisya, naganap ang insidente sa residensiya ng isang Arman Ollano sa bayan ng Ragay sa Camarines Sur.
Noong April 29, bandang alas 2 ng hapon, nagkaroon umano ng inuman o drinking spree sa bahay ni Ollano ang tinatayang 8 katao kung saan sumama umano ang pakiramdam ng mga nakainom at dagliang pinagdadala sa mga pagamutan.
Sa pinakahuling ulat, 4 katao ang sawing-palad na bawian ng buhay. Kinilala ang mga namatay na sina: Arman Ollano, Reynaldo Ollano, Bertito Casitas, at isa pang kinilalang si Rodolfo Abellada lahat mga residente ng bayan ng Ragay, CamSur. Si Abellada ay naitakbo pa sa BMC, Naga City, subalit sa report ng pulisya, sinawimpalad din na bawian ng buhay .
Ang iba pang mga nakainom din ng nasabing “Tuba” ay kinabibilangan nina Jovert Belen, residente ng Lupi, katabing munisipyo ng Ragay, Maribel Delos Santos, Adriano Balmes at isa pang kinilala lamang na Doroy De Torres na pawang sumama din ang pakiramdam at dinala sa iba’t-ibang pagamutan sa probinsiya.
Sa pahayag ng isang “naka-survice” na si Jovert, kunti lang talaga umano ang kanyang nainom kaya hindi siya masyadong grabe ang epekto sa kanya.
Nasa kamay na rin ng otoridad ang sample ng nasabing inumin para sa angkop na eksaminasyon.
This is a developing story.
with report from RadyoMaN Manny Basa




Facebook Comments