𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗘𝗖𝗨𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗜𝗥𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢

CAUAYAN CITY – Tubong San Mateo sa Probinsya ng Isabela ang bagong itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. bilang executive director ng Land Transportation Office.

Siya ay si Atty. Greg Guillermo Pua, Jr., 35 anyos, na mula sa Barangay 1, Poblacion ng naturang bayan.

Si Atty. Pua ang pinakabatang umupo sa naturang posisyon na kung saan naniniwala si LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, na sa pamamagitan ng pamumuno ni Pua ay mas mapapalawak ang pag-abot ng ahensya sa mga kabataang kliyente nito, at pagtataguyod ng road safety.


Samantala, bago pa man iatas kay Pua ang naturang posisyon, nagsilbi na ito bilang Chief Legal Consultant ng LTO kung kaya’t inaasahang makatutulong nang malaki ang mga bagong ipapatupad na iba’t ibang proyekto at mga programa sa ilalim ng panunungkulan nito.

Watch more balita here: MILITAR, NPA NAGKA ENGKWENTRO SA NUEVA VIZCAYA

Si Pua, ay kumuha ng Legal Management at kalaunan ay nakakuha ng kanyang Bachelor of Laws degree sa San Beda University, humawak rin ito ng maraming posisyon sa mga law office at patuloy na nagsilbi bilang legal consultant para sa transport groups bago sumali sa LTO. Siya ang pumalit kay Francis Almora, na babalik sa dati niyang tungkulin bilang Direktor ng Law Enforcement Service.

Facebook Comments