Nanawagan sa Kamara ang isang labor group na mabilis na pagtibayin ang International Convention o mas kilala sa “Violence and Harassment Convention of 2019.
Ang ILO C-190 ay ang kauna-unahang global treaty o international instrument na nagtatakda ng mas malinaw na framework for action at oportunidad na huhugis sa isang work environment na ligtas sa karahasan at panggigipit.
Sasakupin nito ang lahat ng uri ng mga manggagawa sa private at public sectors, gayundin sa formal at informal economy.
Ginawa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang panawagan kasunod ng pagkakapasa sa Kamara ng House Resolution No. 650 na nagkokonsolida sa House Resolution nina House Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza; TUCP Party-list Rep. Maria Rachel J. Arenas at Rep. Arlene D. Brosas na nagsusulong sa mabilisang pagpasa ng ILO C190.
Sakaling mapagtibay, ipapatupad ito ng Pilipinas sa mga batas nito at sa mga work places.
Oobligahin din ang Pilipinas na mag-report sa implementasyon nito.