TUCP, nirerespeto si PRRD sa paghawak sa isyu ng Chinese workers

Manila, Philippines – Nirerespeto ng pinakamalaking workers group ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag galawin ang mga Chinese workers.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), welcome ang mga Chinese workers sa bansa pero dapat prayoridad pa rin ang mga Pilipino sa mga oportunidad.

Sinabi ni TUCP President Raymond Mendoza, na lahat ng trabaho, mapa skills o professions ay dapat mapunta sa mga Filipino workers.


Ang mga specialization at skills na wala sa labor market ang maari lamang ipaubaya sa mga foreign workers na makakapag-apply ng Alien Employment Permit (AEP) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at work permits naman mula sa Bureau of Immigration (BI).

Pinatitiyak naman ng TUCP na ang pag-iisyu ng AEP at work permit ay mahigpit na imo-monitor at iinspeksyunin ng DOLE at BI para iwas korapsyon.

Bukas naman ang TUCP na organisahin ang mga Chinese workers para magkaroon ng sariling unyon habang nagtatrabaho sa Pilipinas.

Facebook Comments