Sultanate ng Sulu, pumalag nang bigyan ng royal title si Baron Geisler

239

Pumalag ang Sultanate of Sulu sa balitang binigyan nila ng royal title ang aktor na si Baron Geisler.

Base sa Instagram post ng actor, binigyan siya ng nagpakilalang sina Raja Mohammadmamay Hasan Abdurajak at Queen Maria Makiling Helen Fatima Nasaria Panolino Abdurajak ng titulong Ambassador of Peace and Prosperity na may ranggong datu.


Inatasan din si Geisler na magbigay ng inspirasyon sa ibang gustong magbagong buhay tulad niya.

Sa statement ng sultanate, hindi lehitimong organisasyon ang naggagawad ng titutlo sa aktor.

Iginiit din na commoners at walang royal blood ang dalawang naggawad kay Geisler.

Sinabi naman ni Bangsamoro Transition Authority member Amir Mawallil – bago sa kanyang pandinig ang sinasabing hari at reyna.

Hindi basta nagbibigay ng titulo ang mga Tausug sa hindi nila kadugo.

Facebook Comments

From Advertisers