TUGON NG PAMAHALAAN | Voluntary repatriation ng mga OFW sa Kuwait, inihahanda na ng DOLE

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proseso para sa voluntary repatriation ng mga OFW sa Kuwait.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, III – ito ang tugon ng pamahalaan sa dumaraming reklamo ng pangmamalupit sa mga manggagawang Pilipino sa naturang bansa.

Paliwanag ng kalihim, sasagutin ng pamahalaan ang lahat ng gastos para sa mga OFW na gustong makauwi ng bansa.


Payo ni Bello, makipag-ugnayan ang mga OFW sa mga labor offices ng Pilipinas sa Kuwait para sa pagsasa-ayos sa kanilang mga kakailanganing dokumento.

Bago ito, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total deployment ban sa mga manggagawang pinoy sa Kuwait.

Samatala, sa impormasyon mula sa Dept. of Foreign Affairs (DFA), ang unang batch ng OFW na inaasahang makauuwi ng pilipinas sa susunod na linggo ay aabot sa 800.

Facebook Comments