Tuguegarao City at Baggao, Isasailalim sa Mass Testing dahil sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Ikinaalarma ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa probinsya.

Ayon kay Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer, magsasagawa ng mass testing ang probinsya upang matukoy ang posibleng pinagmulan ng mga hawaan ng virus at maiwasan ang dumaraming kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Aniya, 64% sa siyudad at probinsya ang pawang mga ‘asymptomatic’ kung kaya’t mahirap matukoy ang mga posibleng nahawa sa sakit na nagpapalala sa kategorya ng ‘Community Transmission’ sa lungsod ng Tuguegarao.


Samantala, pinatutsadahan naman ni Mamba ang lahat ng opisyal ng mga barangay dahil wala umanong ginagawang paraan para sa paglalagay ng isolation facility matapos maglaan ang provincial government ng P100,000 para sa mga barangay.

Inaasahan na sa susunod na linggo ay sisimulan ang mass testing sa bayan ng Baggao at Tuguegarao City.

Facebook Comments