Tuguegarao City, May 25 aktibong kaso ng COVID-19; MECQ, Ipatutupad

Cauayan City, Isabela- Pormal nang isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong Lungsod ng Tuguegarao simula bukas, August 26 hanggang September 5.

Ayon kay City Mayor Jefferson Soriano, ito ay hakbang upang mapabilis ang pagsasagawa ng contact tracing sa iba pang mga posibleng nakasalamuha ng nagpositibong pasyente sa Cataggaman Viejo matapos magdaos ng fiesta.

Giit pa ng alkalde, hindi na papayagan ang pagpasok ng mga tao sa lungsod kung walang kaukulang dokumento na maipepresenta sa otoridad gaya ng COVID shield control pass, travel pass subalit hindi rin maaaring magamit ang visitor’s pass sa pagpasok sa siyudad.


Paliwanag naman ng opisyal na hindi papayagan ang publiko mula sa Bayan ng Enrile na makapasok sa siyudad dahil may ilang karanasan ang mga otoridad na nagsasabing ang ilang pumapasok sa lungsod ay nagmula lang naman sa nasabing bayan taliwas sa mga nakuhang impormasyon ng alcalde na ang iba ay nanggaling pa sa Metro Manila.

Bukod dito, papayagan naman ang pagbubukas ng restaurant na nasa loob at labas ng mall subalit para lamang sa take-out deliveries hanggang 11:00 ng gabi simula bukas.

Sa ngayon ay nakapagtala na ng kabuuang 25 aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Facebook Comments