*Ilagan City, Isabela- *Binayaran na ngayong araw, Agosto 13, 2018 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang Tuition fee ng mga BRO-Ed Scholars sa mga nakaraang semester sa iba’t-ibang kampus ng Isabela State University System.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, ang media Consultant ng Pamahalaang Panlalawigan, tinanggap ito ng mga Campus Director mula sa iba’t-ibang kampus ng Isabela State University (ISU) sa pamamagitan ng tseke.
Ayon pa kay ginoong Santos, kasalukuyan nang tumatanggap ng application form ang BRO Scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng mga mag-aaral sa State Universities and Colleges maging sa mga pribadong paaralan bilang kanilang tulong pinansyal o cash allowance.
Direkta na umano itong ibibigay sa lahat ng mga BRO scholars at makukuha nila ito sa huling buwan ng semester.
Samantala, pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong Agosto a kinse bilang non-working Holiday sa buong lalawigan ng Isabela upang isagawa ang sabay-sabay na paglilinis sa mga bakuran lalo na sa mga lugar na pinamumugaran ng mga lamok upang mapuksa ang mga ito at makaiwas sa sakit na Dengue.