Tulak ng Droga at may Kasong Pagpatay, Timbog sa Buy Bust Operation!

*Maddela, Quirino- *Nasakote ng mga otoridad ang umano’y isa sa mga magsasakang tulak ng droga matapos kumagat sa pa-in ng mga otoridad sa National Highway ng Sta. Maria, Maddela, Quirino.

Natimbog si Bernie Mangulabnan Limpio, 36 anyos, walang asawa, isang magsasaka at residente ng brgy. Lacqious, Arayat, Pampanga.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Maddela, binentahan ng suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer sa halagang isang libong piso.


Dahil dito ay agad na inaresto si Limpio at nakuha pa mula sa pag-iingat ng suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at ang isang libong marked money.

Samantala, si Bernie Mangulabnan Limpio ay isa umano sa walong mga suspek na nagplanong pumatay kay Fr. Richmond Nilo ng Zaragoza, Nueva Ecija noong ika-sampu ng Hulyo taong kasalukuyan.

Nakapiit na sa PNP Maddela ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at Murder.

Facebook Comments