Ibinida ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na ang Quirino Bridge 2 northbound, na binuksan na kahapon para sa mga motorista ay mas matibay at mas malawak umano.
Ito ay matatagpuan partikular sa Concordia Bridge – Northbound papuntang Nagtahan o sa bahagi ng Quirino Avenue, malapit sa Plaza Dilao kung saan ang tulay ay isinara noon bilang bahagi ng Skyway Project at para palawakin upang magbebenepisyo sa maraming mga motorista.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, maraming dumadaan sa naturang kalsada, kaya tiyak aniya na malaking bagay na nabuksan na ang tulay at magandang nabuksan din aniya ang tulay, bago ang Semana Santa.
Paliwanag ng kalihim na ang naturang tulay ay “resistant” sa mga kalamidad gaya malalakas na lindol.
Tiniyak naman ni Villar na mas marami pang tulay, mga kalsada at skyways na bubuksan ngayong taon, alinsunod narin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangunahing hangad ng pamahalaan, aniya ay mapaluwag pa ang mga daanan sa Metro Manila, para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.