TULAY NA BUMAGSAK SA BAYAMBANG, OVERLOADING ANG DAHILAN AYON SA DPWH REGION 1

Matatandaang pasado alas 3:00 ng hapon ng Oktubre 20, naganap ang pagbagsak ng bahagi ng Carlos P. Romulo Bridge (dating Wawa Bridge) sa Barangay Wawa, Bayambang, Pangasinan.
Nagsagawa kahapon ang hanay ng DPWH ng assessment sa tulay na nag-collapsed kung saan nalaman na ang dahilan nito ay overloading.
Sinabi ni Regional Director Ronnel M. Tan ng DPWH, kay Pangasinan Fourth District Engineering Office (DEO) District Engineer Simplicio D. Gonzales, na ang dalawang overloaded na sasakyan na dumadaan sa tulay, isang 12-wheeler dump truck na humigit-kumulang 63.3 tonelada ang bigat, at isang 6-wheeler truck na may tinatayang timbang na anim na tonelada, ito ang naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng tulay.

Ang kondisyon ng tulay ay patas, ibig sabihin ay wala umanong nakikitang malalaking depekto,” dagdag pa ni RD Tan.
Kung titignan, lampas sa itinalagang tonelada lamang ang kaya ng tulay at dalawang truck na may halos pitumpong tonelada ang bigat.
Agad na inilagay ng maintenance crew ng Pangasinan Fourth DEO ang mga kinakailangang warning signs upang ipaalam sa mga motorista at pedestrian na dumadaan sa ruta hindi muna ito maaaring daanan ang nasabing tulay.
Ang tulay ng Bailey ang magsisilbing pansamantalang ruta sa loob ng dalawang linggo.
Pinapayuhan ang lahat ng motorista na gamitin ang mga maaaring alternatibong ruta sa kanilang facebook page ng DPWH. | ifmnews
Facebook Comments