‘Tulay ng Pangulo para sa Repormang Pang-Agraryo’, Binuksan na sa Publiko

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan ngayong araw ang pagpapasakamay sa bagong gawang Andabuen Bridge o ‘Tulay ng Pangulo’ sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Pinangunahan ito ni Deparment of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III at iba pang matataas na opisyal ng kapitolyo ng Isabela at kinatawan ng ika-apat na distrito ng lalawigan.

Ipinamahagi rin ang ilan pang farm machineries gaya ng tractor at self-priming water pump sa Lokal na Pamahalaan ng Benito Soliven, paggawad ng certificate of land ownership award at emancipation patent, maging ang pagbibigay ng dump truck mula naman sa provincial government ng Isabela.


Kasama rin sa aktibidad ang iba pang opisyal ng DAR kabilang sina Assistant Secretary Milagros Isabel Cristobal at Atty. Elmer Distor maging ang apat pang undersecretaries.

Umabot naman sa P50 milyon ang halaga ng konstruksiyon sa tulay na nasimulang ipagawa noong Pebrero at natapos nitong Agosto taong kasalukuyan.

Facebook Comments