TULONG | 8,000 pamilyang naapektuhan ng giyera sa Marawi City, nabigyan ng mga ayudang pagkain

Marawi City – Namigay ng mga food items ang lokal na pamahalaan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa 8,000 pamilya na naapektuhan ng digmaan sa Marawi City.

Ito ay matapos dumaing ang ilang pamilya sa Marawi City dahil sa kawalan ng maihanda sa pagpasok ng Ramadan.

Kabilang na rito ang 35 pamilya ng mga ‘Bakwit’ o evacuees mula Marawi na nananatili pa rin ngayon sa evacuation centers sa ibang bahagi ng Mindanao.


Paubos na kasi ang kanilang rasyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments