TULONG | DFA, magbibigay ng ₱5,000 sa mga OFW na naapektuhan ng aberya sa NAIA

Manila, Philippines – Magbibigay ng limang libong pisong tulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na naapektuhan ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen airline sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa statement ng DFA, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sisimulan ang pagbibigay ng ayuda mula ngayong araw hanggang sa Biyernes Agosto 24.

Ang mga OFW na nasa bansa pa ay maaaring kunin ang kanilang ayuda sa NAIA Terminals 1, 2, at 3 sa office of migrant workers affairs sa Roxas Boulevard.


Kailangan lamang ipakita ng mga naapektuhang OFW ang kanilang airline ticket, original date ng pag-alis, re-issued ticket na nagpapakita ng bagong petsa ng kanilang pag-alis, employment contract at overseas employment certificate.

Tiniyak naman ng DFA na handa silang maglabas ng certifications para sa mga naapektuhang OFW.

Maliban rito, nakahanda rin ang representante mula sa mga embahada na humarap sa mga employers ng mga ito para ipaliwanag ang nangyaring pagka-delay ng kanilang flight.

Facebook Comments