Nakatanggap ang Philippine Red Cross (PRC) ng 415,000 Swiss francs o halos P23 million bilang tulong sa mga biktima ng bagyong Ompong.
Ang nasabing ayuda ay galing sa kanilang international partner na Swiss Confederation at Swiss Red Cross.
Ito ay bilang bahagi pa rin ng tulong ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies na kumalap ng 2.7 million-Swiss franc (P152 million) upang ayudahan ang nasa 100,000 indibidwal na naapektuhan ni Ompong.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon ang nasabing kontribusyon ay malaking tulong upang makabangong muli ang mga apektadong indibidwal lalo na sa water sanitation, and hygiene (WASH) services.
Kasunod nito taos pusong nagpapasalamat ang Philippine Red Cross sa sandamakmak na tulong mula sa international community.