TULONG | Mga mamamahayag na may sakit, pinagkalooban ng cash gift

82

Manila, Philippines – Upang makatulong sa mga maysakit na mamamahayag nagbigay ng Christmas cash gifts para sa mga ito si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Nitong Huwebes, personal na ibinigay ni Go ang cash gifts para sa mga may sakit na mamamahayag kay Presidential Communications Operations Office Chief Martin Andanar.

Mabebenipisyuhan nito ang nasa sampung media personnel na nakararanas ngayon ng malubhang sakit katulad nina Ernie Gabonada, isang news anchor mula Gen San at ang Baguio Columnist na si Mon Dacawi na sumasailalim sa kidney dialysis.

Facebook Comments