Tulong para sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño, tiniyak

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang ayuda sa mga magsasakang maaapektuhan ng El Niño.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, noong nakaraang taon pa naghanda ang DA para sa epekto ng El Niño.

Aniya, mayroon na rin silang binuong task force na tututok para rito.


Mayroong Survival and Recovery Loaning Program aniya ang gobyerno kung saan pwedeng mangutang ang mga magsasaka ng hanggang P25,000 ng walang collateral at interes at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.

Sabi pa ng kalihim, nagsimula na rin ang Philippine Crop Insurance Corporation na mag-assess sa magiging lawak ng pinsala ng El Niño para mabayaran ang mga magsasaka.

Facebook Comments