Tulong para sa mga repatriated OFW, pagpupulungan sa Kamara

Magsasagawa ng pulong ang Kamara sa Biyernes kasama ang iba’t ibang government agencies para sa pagbibigay ng tulong na kinakailangan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, aalamin sa ikakasang pulong kung paano mapapabilis at mapapadali ang repatriation process ng mga OFW na apektado ng COVID-19 pandemic.

Maglalatag din ng plano para sa reintegration at balik trabaho para sa kanila.


Paraan aniya ito upang makatulong sa pamahalaan na matupad ang atas ng Pangulong Rodrigo Duterte para sa mabilis at magaan na pagpapa-abot ng ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa 55,000 na mga OFW ang napauwi na sa Pilipinas mula pa noong magsimula ang COVID-19 pandemic.

Facebook Comments